Saturday, December 23, 2006

The Great Adventures of Super Lala





*with apologies to Natalie Dee

Friday, December 22, 2006

for babes with attitude!


Para sa mga girlash (at boys na rin) na mahilig magsulat o magbasa ng kung anu-anong kakikayan at iba pang isyung pangkababaihan, ito ang website na para sayo!

Wednesday, December 20, 2006

crazy for hello saferide!





ilang links na malamang ay makatulong sa tinatapos kong papel at malamang ay pagkakainteresan mo rin!

The Situationist International Text Library

Sadie Plant's "The Effects of Mobile Phones on Social and Individual Life"

Psychogeography of the Cafe

Rural Psychogeography

... and More Psychogeography Links!!!


Tuesday, December 19, 2006

Mapping the Emotions of the City: an introduction

word of the day: PSYCHOGEOGRAPHY, -- "the study of the precise laws and specific effects of the geographical environment, consciously organized or not, on the emotions and behavior of individuals..."





I was proofreading a horror story anthology compiled and edited by Beverly Siy when it suddenly dawned (zulueta?) on me that the paper for my MA class, which is due January, is kinda similar to Iain Sinclair's work on urban drifts, and that the key word for my study is Psychogeography, which I'll probably translate to sikoheograpiya (sikolohiya + heograpiya) as it will be written in Filipino.


Now I can say that there's a lot more behind MMDA's urban planning than just metro beautification, and that it has greatly affected how we imagine the city. (aba, ambisyosa ka!)

Friday, December 15, 2006

Henry Darger: In the Realms of the Unreal


"He was one of those people hardly anyone notices, who, seemingly, move through life as shadows..."

ang christmas/birthday wishlist ko (sana nag-iinternet din si santa)





Sunday, December 10, 2006

split







Thursday, December 07, 2006

Meri Krismas: Isang Babaeng DALI Para sa Lahat! (sana magustuhan 'to ni ate...)

Saturday, December 02, 2006

B is for Baby Or Why Do I Sound Like Carrie Minus the Sex and Manolo Blahnik?

Naalala ko kanina si Mich, ang kaibigang nakilala ko noong first year college ako. Ang babaeng mahilig sa thesaurus. Nakasama ko noon sa table tennis varsity team si Mich. Doon ko nakilala ang boyfriend niya. Hindi ko alam ang dahilan, pero basta lang na hindi niya ako ipinakilala sa boyfriend niya. Okey lang namin sakin, siyempre.

Lagi kong naririnig na tinatawag ni Mich si boyfriend ng BI (read: bee). At di naglaon, ako din, tinatawag ko na rin siyang BI, kasi siyempre, akala ko yun yung pangalan niya talaga. Tapos bigla na lang, hindi na ko pinapansin ni Mich. Nagtaka naman ako kung bakit, kaya nagtanung-tanong ako sa ibang barkada namin.

Doon ko lang nalaman na slightly asar at nagseselos pala sa akin si Mich. At ang dahilan: tinatawag ko kasing BI ang boyfriend niya. Ang totoong pangalan pala ni boyfriend ay Henry, at ang BI ay pinaikling BABY.

Shet, malay ko bang BABY pala ang ibig sabihin nun. Ang inisip ko naman kasi ay yung BI ay pinaikling KIRBY or JOLLIBEE, di ba?

Ngayon ko lang narealize, na ang pagbibigay ng pangalan sa kasintahan, kaibigan, kapatid, anak, asawa, o kung sino pa man -- gaano man ka-sweet, ka-nakakakilig, ka-endearing -- ay isa pa ring paraan ng pagtatakda (o pagdedeklara) ng pagmamay-ari. Parang aso o iba pang hayop na umiihi sa napiling lugar para itakda ang kanyang teritoryo. Parang password sa isang exclusive na club. Hindi pwedeng gamitin ng iba at hindi pwedeng ibukas sa iba. Parang pagbabakod, at ang paggamit o pagpasok ng iba ay tresspassing!

Wala na kaming komunikasyon ni Mich. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya. Sana okey lang siya. Sana okey lang sila, at going strong pa rin sana, ni BI....este Henry.