First, I had to do the layout for this advertorial which came out last Thursday in Manila Bulletin. I didn't expect it to look so nice. I mean MB is really notorious for its pixelated images and double prints. But the advertorial came out really nice and the images smooth. Good thing I always make sure that the resolution of every project I do shouldn't be lower than 300. I couldn't stop giggling when I got hold of my MB copy courtesy of Hotel Indah, my work on a national daily! Ha!
And look, beside it is a news feature about Yoko Ono, which I didn't even bother reading!
Then, I had to go to Pier 13 for the welcome ceremonies of the 36th Ship for Southeast Asian Youth Program. The program is sponsored by Japan in cooperation with the respective governments of the 10 Southeast Asian nations. Youth delegates from ASEAN and Japan travel around Southeast Asia and Japan in 52 days via a Japanese luxury cruise liner. My job as Media Committee head was to make sure that the SSEAYP Press Con is well-attended by media reps. Press Con morning started out really bad as the Pier guards wouldn't let Media People in. I had to walk from the dock to the main gate, which was kinda far, to talk to the head security. I made pacute just to make them let my media people in but my charms weren't really working that day so was left with no choice but to go to the Asian Terminals Inc. to coordinate with the communications officer. After 30 minutes of explaining and pleading, the officer from the ATI called up the security guards at the pier to let all media people in. Yay for me! Press Con went smoothly and food served by the ship was superb!
This is the SSEAYP Ship, M/S Fuji Maru.
In the afternoon, we went to PICC to attend the formal ceremonies. I had to run around, chase people, secure interviews, and monitor if media networks were already running features about the press con. I got home late and went to bed without even bothering to wash my face. Heh.
In all fairness to Imelda Marcos, girlfriend really has a thing for beauty.
PICC is a beautiful place.
The next day was spent in Pamantasan ng Lungsod ng Maynila with some of the delegates for their educational trip. And there, I met lawyer to the stars and PLM president, Atty. Adel Tamano. He's really nice and super gwapo. He smiled at me like the whole time we were talking. Is he running for the senate? I'm gonna vote for him, that's for sho!
This is the only decent picture I got of him before my camera battery died on me.
After PLM, I went back to PICC to secure the tarps used in the educational trip and helped with the event there. Then I went home at about 7 pm really exhausted. But hey, I ain't complaining, coz I really ♥ my job!
1. Sinulat ko ito 1 or 2 years ago, para sa isang klase kay Mam Rose Yu, naka-uno yata ako rito.
2. Maayos naman kami ni Adam ngayon, at kung tama ang pagkakakilala ko sa kaniya ay matatawa lang siya sa pamagat ng entry na ito at hindi niya iisiping bitter ako or something. Heh.
3. Nabasa ko ito kanina at napaisip: Tangina, ganiyan ako katalino at kaeloquent?
4. In fairness to me, hindi na ako nakakapagsulat ng mga akademikong papel tulad nito kaya nakakatuwa ring balik-balikan iyong panahong masigasig pa akong mag-aaral.
So eto na, dali basa na!
--
Kelan ang Huling El Bimbo?
o
Kung Paanong Nagkaroon ng Iba’t Ibang Buhay ang Kanta ng Eraserheads
sa The El Bimbo Variations ni Adam David
sa Panahong Tigmak ang Kulturang Popular ng Pilipinas
ng Revivals, Remakes, at Adaptations
ng mga Kanta, Pelikula, at Soap Opera
--
isang sanaysay ni Sarah Grutas
--
Bakit Mahilig sa Nostalgia ang Pinoy?
O ang Tao sa pagkakataong ganito? Iyong pagbabalik sa isang ideyal na nakaraan nang may kasamang pinaghalong tuwa at minsan, lumbay o panghihinayang na hindi na mauulit o mapapantayan ang nakaraang iyon.
Sa panahong halos malunod na ang Kulturang Popular sa Nostalgia, ngayong punum-puno ang telebisyon ng mga remake ng pelikula, o dating komiks (sinong hindi naglaway kay Angel Locsin sa Darna ng GMA-7?), o dating soap opera mula sa ibang bansa (na nagpasikat kay Marianne Rivera bilang Pinoy version ni Thalia sa Marimar, awww! at ngayo’y pinagpapantasyahan bilang Dyesebel), at ng mga kantang paulit-ulit nire-revive at ginagawan ng cover – nagiging ballad ang dating rock o hiphop, o bossa nova (c/o of Sitti), at iba pang bersiyon na maaaring gawin ng tao,[1] mahalaga ring banggitin na ang nostalgia ay nagsimula bilang terminong medikal para sa isang sakit.
Naitala ang salitang ito ni Johannes Hofer, isang Swiss na estudyante sa medisina, sa kaniyang disertasyon para itawag sa malubhang pangungulila ng mga sundalo, mersenaryo, alipin, at trabahador - na noo’y nasa France o Italy - sa bulubundukin ng Switzerland na kanilang tinubuang bayan. Walang gamot ang nostalgia at kadalasa’y nauuwi sa kamatayan. Ang tanging solusyon ay i-discharge at pauwiin ang mga sundalo. Ngunit, malaking insulto para sa mga sundalo ang ma-diagnose na may nostalgia.[2] Marahil, insulto ito sa kanilang ‘pagkalalaki’ o pagiging ‘sundalo’ na inaasahang maging macho o matatag at walang kinatatakutan.
Hanggang sa 19th century, itinuturing na sakit ang nostalgia. Inihalintulad ito sa kabaliwan. Ngunit hindi nagtagal, sabay sa pagsulong ng teknolohiya at pag-usbong ng mga kompyuter, camera, video tape, film, microfilm, museum, fire-proof cabinet, at kung anu-ano pa, ang nostalgia, mula sa pagiging malubhang sakit ay naging normal na emosyon kahanay ng pagmamahal, excitement, at tuwa.
Ngayon na lamang, na marami nang naimbentong makina para mag-record ng kahit anong nanaisin ng Taong i-record, nabigyan ng panibagong buhay ang nostalgia bilang positibong emosyon. At ang dati’y personal na danas ay ipinalaganap partikular ng Mass Media, na natutong gamitin ang memorya ng Tao at ang kaniyang likas na paghahangad na magbalik sa pinanggalingan, sa sarili nitong kapakanan para itaas ang Viewership Ratings, Album Sales, Ad Placements na magbibigay ng limpak-limpak na pera. Sa huli’y ang nostalgia ay hindi na sakit o kung anumang idealized na pangungulila sa isang ideyal na nakaraan, kundi isa na lamang gasgas na produkto ng Mass Media.
Kaya nga sumikat si Marianne Rivera, dahil nakita natin sa kaniya si Thalia, ang original Marimar, na pinapanood natin noon sa RPN-9, black and white pa lang ang TV noon, at wala pa tayong remote, de-pihit pa ang TV kaya dikit na dikit tayo habang nanonood, na dahilan para pagalitan tayo ng Lola o Nanay natin na lumayo dahil nakabubulag daw ang radiation ng TV. Naalala natin ang kulot na buhok ni Thalia at kung paano siya magsayaw. Sikat na sikat ang Marimar noon, kasama tayo sa libu-libong bumili ng kaniyang poster at idinikit sa pintuan ng ating kwarto. Tuwang-tuwa tayo nang dumating si Thalia sa bansa. Nakipila tayo sa kaniyang concert. Nalusaw ang puso natin nang kantahin niya ang “Nandito Ako” na orihinal na kinanta ni Ogie Alcasid na theme song rin natin para sa ating crush o lihim na minamahal. At ngayong dumating si Marianne Rivera at sumasayaw-sayaw siya tulad ni Marimar, lahat ng alaala ng lungkot at tuwa ay bumalik sa atin. Bumalik ang araw na iyon na sinagot ka ng iyong nililigawan habang nanonood kayo ng Marimar. At ngayon, gabi-gabi mo nang pinapanood si Marianne Rivera, dahil alam mo sa puso mo – kahit itanggi pa ni Marianne kapag nagkita kayo – na sa isang weird at kumplikadong paraan ay konektado kayo.
Pero kung tutuusin hindi tayo ang nagdesisyong balikan si Marimar at ang nangyari noong kasikatan ni Thalia. Ipinilit ito sa atin ng GMA-7 na nagkataong kailangan ng bagong bida sa isang soap opera. At dahil tayo’y Tao lamang na malaki ang espasyo sa utak para sa mga alaala, nadala tayo sa Nostalgiang hatid ni Marianne.
Kabalintunaan ng Nostalgia
Malayo na ang pakahulugan ng nostalgia noon kaysa sa Nostalgia ngayon. Ang nostalgia noon ay tinatawag na lang na Homesickness ngayon. At ang Nostalgia ngayon ay iyong mga pelikula noong bata ka pa at ngayo’y ginagawang soap opera o mga kantang nire-revive ng paborito mong singer. Ang Nostalgia ngayon ay ang museum na paulit-ulit mong binabalikan dahil nakaimbak doon ang mga bagay na nauna nang nabuhay kaysa sa iyo. Bagama’t parehong paghahangad na makabalik sa iniwan/nakaraan, ang Homesickness ay mas pisikal ang paghahangad at pangungulila habang ang Nostalgia ay mas internal, nasa isip. Ang Homesickness ay paghahangad na makabalik sa lugar na pinanggalingan habang ang Nostalgia ay paghahangad na makabalik sa isang espisipikong Oras o Panahon. At hindi natin kayang maglakbay pabalik sa isang espisipikong Oras o Panahon.
Inilarawan ni Hofer ang Nostalgia bilang “disease of the imagination,” ngunit ang mismong kondisyong ito ang nagtutulak sa maraming manunulat na kumatha ng mga malikhaing akda. Noo’y tinawag na sakit ngunit ngayo’y tinitingan bilang poetic at romanticized na paghahangad sa nawala nang Panahon.
Sa Pilipinas (o maging sa iba pang bahagi ng mundo), sinasabi ng maraming guro o kritiko o mismong mga manunulat na wala nang orihinal na ideya sa mundo. Lahat ay naisulat na. Ang katangiang ito ay Nostalgic para sa isang panahon hitik pa ang Manunulat sa mga bagong ideyang maisusulat at na ang kontemporanyong manunulat ay inuulit na lamang ang naisulat na at ang tanging magagawa niya’y ulitin o mag-reference sa mga nauna nang mga akda. Ito marahil ang dahilan kaya nauso ang footnotes. Pakumbabang pag-amin na hindi orihinal ang ideyang ating isinulat pero pagmamayabang rin na marami tayong ideyang alam.
Nostalgia, Si Adam David, Ang Eraserheads, at Ang Huling El Bimbo
Sa The El Bimbo Variations, inalala at pinuri ni Adam David ang henyo at talino ng Eraserheads. Malinaw ang Nostalgia ni David para sa panahong iyon na ang Eraserheads ay isa sa pinakamagaling na banda noong dekada ’90 - nabuo sa UP Diliman, sumikat, at ang tanging grupong nagkamit ng MTV Asia Viewers’ Choice Award para sa mismong kantang ginawan ni David ng libro, Ang Huling El Bimbo (ang MTV Moon Man na hawak-hawak ni David sa kaniyang litrato sa huling pahina ng libro ay ang mismong tropeong nakuha ng Eraserheads noong 1997). Kasabay ng pagsikat ng Eraserheads at ng mga kanta nito ang pag-usbong rin ni David bilang manunulat, manliligaw, at mangingibig.
Samantala, Nostalgia rin ang tema ng kanta, Ang Huling El Bimbo. Tungkol ito sa isang lalaki (ang narrator) na ginugunita ang kaniyang kababata at ang masasaya nilang alaala at ngayo’y nabalitaan niyang namatay sa isang malagim na aksidente. Ikinumpara niya ang kababata kay Paraluman, isa sa pinakamagandang artista noong dekada ’40:[3]
Kamukha mo si Paraluman
No’ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Chacha.
Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo.
Pagkagaling sa ’skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako.
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay.
Naninigas aking katawan
‘Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng ‘yong mga mata.
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo’y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso.
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo,
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko.
Lumipas ang maraming taon ‘Di na tayo nagkita
Balita ko’y may anak ka na
Ngunit walang asawa.
Tagahugas ka raw Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi’y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita.
Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw
Hindi si Paraluman ang object ng pagno-Nostalgia ng narrator, kasangkapan lamang siya para gunitain iyong panahong kung kailan pinakasikat si Paraluman. Iyong panahong magkasama pa sila ng kaniyang kababata. Nagsimulang maging artista si Paraluman noong 1940, ilang taon na lamang at lulusob na ang mga Hapones. Dito sa panahong ito, naglalaro ang alaala ng narrator. Makalipas ang ilan pang taon, sa kasalukuyang panahon ng kanta, matanda na ang narrator, 1970s na at malapit nang mag-Batas Militar. Naiipit ang naratibo sa dalawang masalimuot na mga panahon.
Hindi matanggap ng lalaki ang kinasadlakan ng kababata sa kasalukuyang panahon: naging GRO sa Ermita – isa sa lugar sa Maynila na maraming night club noong dekada ’70 hanggang ’80, naging serbidora/waitress/tagahugas-ng-pinggan, at ang pinakamasaklap ay na-hit-and-run sa isang madilim na eskinita.
Sa isang mas interesanteng tala, sa pakikipag-usap ko kay Adam David, nabanggit niyang ang Paraluman ay isang lumang salita para itawag sa paraan ng pagbabasa ng mga bituin na ginagawa ng mga mangingisda sa paglalayag sa dagat. Ito rin ang tawag sa paraan ng pag-alala ng mga tao sa mga namatay na nilang kamag-anak. Nakuha ni David ang mga impormasyong ito sa pakikipag-usap kay Virgilio Almario at Eros Atalia.
Kung totoo man ang impormasyong ito mula kay Almario at Atalia, nakakatuwang isipin na tila planado at swak na swak ang kanta ng Eraserheads at ang libro ni Adam David. Iginuhit na sa mga tala, ika nga. Ang paggamit ng Eraserheads kay Paraluman para ipakita ang Nostalgia para sa isang kumupas nang Panahon. Ang paggamit ng kanta (Ang Huling El Bimbo) ni David para ipakita ang Nostalgia para sa isang Panahong – ayon nga sa kaniya ay – maganda pa ang tugtugan sa Pilipinas. Alam kaya ni Ely Buendia, ang bokalista ng Eraserheads at ang kompositor ng kanta, ang iba pang representasyon ng Paraluman (bilang artista at bilang salita) kaya ito ang ginamit niya sa kanta sa halip na si Gloria Romero kunwari? Alam rin kaya ni Adam David ang mga bagay na ito - na ang Paraluman ay maaaring kasingkahulugan pala ng Nostalgia?
Nostalgia at Metanaratibo
Nostalgia ng Nostalgia, iyan ang The El Bimbo Variations, isang koleksiyon ng may siyamnapu’t siyam na tula at prosa tungkol lamang sa unang linya ng kanta: Kamukha mo si Paraluman noong tayo ay bata pa. Siyamnapu’t siyam na bersiyon ng iisang linyang ito ang libro ni David. Iba’t ibang paraan ng pagsasabi ng isang pangungusap na may siyam na salita. Pero hindi tulad ng Nostalgia na inihahain ng telebisyon at iba pang media, ang The El Bimbo Variations ay hindi basta’t pag-uulit lang ng orihinal na linya. May awareness si David sa components ng orihinal na linya, kaya’t malay, sukat, at tantiyado rin ang siyamnapu’t siyam na retelling na kaniyang ginawa. Bawat isang bersiyon ay rebisyon ng orihinal kaya’t walang dalawang bersiyon ang magkapareho o magkamukha. Isa itong paraan ng ehersisyo sa pagsusulat – paano mo sasabihin o ilalahad ang isang bagay sa iba’t ibang paraan? Nagbubukas ito ng maraming opsyon at pintuan para sa malikhaing paggawa.
Ilang Bersiyon:
Orihinal na Linya
Kamukha mo si Paraluman
noong tayo ay bata pa.
Bersiyon 1: Synonymous
Kahawig mo si Atang dela Rama
nung may gatas pa tayo sa labi.
Bersiyon 2: Permutation
Nung bata pa tayo
si Paraluman ay kamukha mo.
Bersiyon 3: A Different Generation
Kamukha mo si Joey Albert
nung tayo ay bata pa.
Ilan lamang ito sa maraming bersiyon na inihahain sa atin ni David sa kaniyang libro. Sa una’y maaari nating isipin naglalaro lamang ang may-akda, ngunit, kung pag-aaralang mabuti, ipinapakita ni David rito ang kaniyang dexterity sa pagmamanipula ng Anyo at ng Wika. Hindi rin maikakaila ang natatanging wit at humor ng may-akda, at siyempre, ang kaalaman sa popular na kultura.
Hindi lamang natigil ang pag-explore ni David sa iba’t ibang anyo at genre ng tula at prosa, naipakita rin niya ang lawak at dami ng karanasanan at kaalaman niya sa pagtula at pagsusulat.
Bersiyon 4: Diona
Damdamin sa’yo’y litaw,
O, paruparong ligaw:
Paraluman ko’y ikaw!
Bersiyon 5: Tanaga
Babaeng lusog-hita
(Sa El Bimbo’y bihasa)
Sino ang ‘yong kamukha?
“Paraluman (nung bata)!”
Bersiyon 6: Dalit
Noong bata pa lang tayo
Mahawakan lang ‘yong suso
Sinayaw ko ang El Bimbo
Noong bata pa lang tayo.
Malinaw na walang problema sa wika ang may-akda, mapa-Ingles man o Filipino. Matagumpay niyang naipakita ang paggamit ng mga banyagang anyo o genre ng tula at prosa, at ang swabeng pagsasalit-salit ng wika.
Bersiyon 7: William Shakespeare
Shall I compare thee to Paraluman?
Thou wert more lovely once, as a young’un!
Bersiyon 8: William Blake
a Serpent’s bite in Youth’s Delight!
Bersiyon 9: American Haiku
Recognition
Sparrows in flight scattering light
You: Paraluman
Bersiyon 10: Koan
your face
before your parents were born
is shown
At habang binabasa ang libro ni David patungo sa huling pahina, pakumplikado nang pakumplikado ang mga bersiyon, kung sa una’y napapangiti ang mambabasa, pagdating sa gitna’y napapatigil na’t napapaisip. Sinabi ni David na ang ilang anyo o technique sa mga akda ay hinalaw niya sa grupo ng mga banyagang manunulat, ang Oulipo[5], na kinabibilangan nina Raymond Queneau, George Perec, Matt Madden, atbp. Kilala ang grupong ito sa mga proyekto at eksperimentasyon sa pagsusulat. Ang The El Bimbo Variations ay isang bersiyon ng eksperimentong nauna nang ginawa nina Matt Madden (99 Ways to Tell a Story: Exercises in Style, Penguin Group, 1995 – paglalahad sa siyamnapu’t siyam na paraan ng pagdrowing at pagkwento ng iisang pangyayari) at Raymond Queneau (Exercises in Style, 1947 – siyamnapu’t siyam na bersiyon at iba’t ibang paraan ng paglalahad ng iisang kwento), malinaw na ito ang tradisyong pinagmumulan ni David.
Bersiyon 11: Linear Logical Analysis
So:
Si Paraluman.
Isang aktres.
Na maganda.
Nung Dekada Singkuwenta.
Para sa Sampaguita Pictures.
Kamukha mo siya.
So, maganda ka.
O, at least, sa opinyon ng ibang tao, maganda ka.
O, at least, sa opinyon ko, maganda ka.
O, at least, mestizahin.
Nung bata pa tayo.
So, maganda ka lang pala nung bata ka.
So, hindi ka na maganda ngayon.
Matanda ka na kasi, e.
So, panget ka na.
Bersiyon 12: Experimental Theater
Characters:
couples in fancy dresses and pressed suits
audience
Props:
cardboard cut-out masks of Paraluman’s face (as many as needed)
eggs (as many as needed)
Instructions:
The couples are given two masks and an egg each. The couples wear
The Paraluman masks as they dance to a nonexistent beat while
balancing eggs between their foreheads. If a couple drops an egg,
they will remove their masks and hand them to a new couple in the
audience. The new couple will then wear the masks and in turn dance
to a nonexistent beat while balancing an egg between their foreheads.
Repeat process until either all eggs are broken or all the couples in the
audience have taken their turns in dancing.
Bersiyon 13: Univocalism On “O”
“Oh, God, no, don’t go!” Old Boy longs for Joy, now lost
to ghosts of old folks; food to frogs, to dog gods, to gross brown
Sa huli’y hindi na lamang simpleng eksperimento sa pagsusulat ang akda, kundi isang tangka sa pagre-revolutionize ng Panitikan ng Pilipinas. Inihahain sa atin ni David ang isang alternatibong panitikan na may istriktong atensiyon sa lenggwahe at sa estetika.
Defamiliyarisasyon sa Wika at sa Iba pang Pamilyar
sa Panitikang Popular (High Art vs Low Art?)
Sa isang klase, sinabi ni Joey Baquiran, makata at guro, na ang magaling na manunulat ay hindi nagpapatali sa salita, bagkus ito dapat ang diyos at ang salita ang kaniyang alipin. Isang malupit na panginoon si David. Winarak at winarat niya ang salita nang walang pangingimi o takot nang sa gayo’y magsilang siya ng panibagong akda.
Bersiyon 17: With One Letter Altered
Kamukha mo si Paraluman
nung tayo ay data pa.
Bersiyon 18: With One Letter Missing
Kamukha mo si Paraluman
nung tayo ay bata, a.
Bersiyon 19: With One Word Altered
Kamukha mo si Paraluman
nung Tao ay bata pa.
Bersiyon 20: With One Word Missing
Kamukha mo si Paraluman.
Tayo ay bata pa.
Bersiyon 21: Expletives
Kakantutan mo sa puke
nung titi ay bayag-bayag pa.
Bersiyon 22: Anagram
“You pun?!?”
Si Alan, batang mataray, pa-amuk-amok!
Bersiyon 23: Syllabic Cut/Up
Kamu si Yokha, bamo ay
para nuan ng tata pa! Lum?
Bersiyon 25: Homovocalism
“Ang ulam mo! Ikaw ang umatupag, o!”
“A, na naman?”
Bersiyon 26: Homoconsonantism
“Kimi ka, ha? Mis, puro lamon!!!”
“Naniig tayo!!!”
“... uy, ba’t api... ?”
Kapansin-pansin rin ang paggamit ng may-akda ng mga popular na genre at anyo. Sa isang banda, isa itong ebalwasyon ng kalagayan ng popular na panitikan ng Pilipinas ngayon. Paano nga ba tayo magsulat ng horror o ng fantasy o ng speculative fiction? Nakukuha lamang ba ito sa pagsisingit ng mga elemento ng gulat, takot, o imahen ng mga aswang at maligno? Kung susuriin naman natin ang mga tabloid sa bansa, makikita nating may kakaibang paraan ng paggawa ng headline ang mga diyaryong ito – sensational, biased, at insensitive. Sa kabilang banda, isa rin itong bagong pag-atake sa mga popular na pormula. Isang patunay, na wala naman talagang high art o low art, meron lang good writing o bad writing.
Bersiyon 27: True Philippine Ghost Story
“Pero kasi, mahal... ako si Paraluman, e...”
Bersiyon 28: Fantasya
“By Ba’Tala’s Beard! Renege this ruse, foul asuang! The All-
Seeing Eye of Aguimat has negated you glamour’s power over me!”
Liquid light, like molten metal, surges from the triangular
stone in A’Dun’s hands, ebbs towards the asuang, and flakes off its
fleshsuit, exposing, underneath, gossamer wings and alabaster skin.
It shrieks the Shriek of the Thrice Cursed, the Thrice Damned, and
on the horizon, almost to the vanishing point, dark shadows flock
incessantly towards A’Dun the Reaver.
He grits his teeth at the sight. He prepares himself for the rain
finally about to fall on the arid ground of the Bu’Lakan Desert.
A rain of fire.
A rain of tears.
A rain of blood.
Bersiyon 29: SpecFic
As she massaged her dehydrated dermis to what can only be
described as a septuagenarian amphibian’s thick-lipped, disapproving
scowl, she finally put three of her arms up in disgusting surrender:
this is not the Calayan NanoPly Cream that she knew in her youth.
in her titillating travels across the Chinese continent in... Julie En
Chine!
HEAT-UP! ... in intrigue as Julie humps the hot and wide
Mongolian Desert in search of... the Manchurian Candidate!
SALIVATE! ... in excitement as Julie straddles the long and
legendary Great Wall of China in pursuit of... the Dreaded Doctor
Fu Manchu!
HARDEN! ... in horror as Julie barebacks the cold and hard
peaks of Nepal in a hunt for... the Happy Yeti!
Don’t dare miss these three classic L. E. Rue adventures of
Julie in Julie En Chine, now available in English for the first time
ever!
Bersiyon 31: Tabloid News Clipping
13 April 2005
BABAE SA ERMITA PATAY SA ESKINITA!
Isang ‘di-pa-nakikilalang babae ang natagpuang patay
kaninang umaga sa kanto ng Del Pilar at Soldado, sa Ermita, Maynila,
biktima umano ng hit-and-run.
Base sa preliminary investigation ng pulisya, nagtatrabaho
ang biktima sa isang ‘di-kalayuang nightclub bilang GRO.
Salaysay ni SPO1 Edilberto Buendia: “Malamang taga-rito
lang siya, kasi wala siyang bitbit na gamit, kaya minabuti naming
magdoor-to-door sa area para tanungin kung merong nakakakilala sa
kanya.”
“Naglakad siya papauwi at ‘di nakaiwas sa paparating na
kotse,” dagdag nito. “Madilim kasi talaga dito ‘pag gabi, kaya dapat
nag-iingat talaga ang mga tao ‘pag naglalakad sa lugar na’to.”
Para sa mga taong maaaring makatulong sa pagkilala sa
identidad ng biktima, ang bangkay ng babae ay kasalukuyang
nakahimlay sa Ermita Catholic Church.
- Vic Blanco
Kabalintunaan at Nostalgia: Kabalintunaan ng Nostalgia
“… a present, in all the meaning of the word.”
Salamat sa teknolohiya, may paraan na ang Tao para magpanatili ng mga alaala. Dahil sa computer o TV o DVD, ang nakaraan ay naiimbak, naitatago, at nahuhugot kapag kailangan. Sa panahong ngayong, sabay-sabay na ipinapalabas at pinapatugtog ang nakaraan at kasalukuyang mga palabas, pelikula, musika, unti-unti nang nawawala ang distinksiyon ng Nakaraan at Kasalukuyan. Sa popular at mass media kung saan komersiyalisado na ang Nostalgia, nananatiling nasa Kasalukuyan ang panahon. Ngunit, ang kabalintunaan doo’y habang patuloy na nabubuhay ang Tao sa Kasalukuyan ay patuloy rin siyang nag-aasam ng nakaraan dahil sa kalikasan niyang hanapin ang perpekto, absolute, at dalisay. At lahat ng wala sa kasalukuyan ay hinahanap niya sa kung saan, na pinoproseso ng kaniyang utak bilang Alaala at Nakaraan. Paulit-ulit lang, patong-patong ang pagrereplika ng mga nakaraang pangyayari o bagay, hangga’t ang Tao’y nalulunod na sa sandamakmak na remake at revivals, at hindi na niya alam ang Totoo, o ang matukoy man lang ang orihinal at awtentiko.
Ito ang ikinaiba ng The El Bimbo Variations, ang Nostalgiang malay. Hindi nagpadala sa daloy ng hangarin gamitin na lamang ang mga bagay sa nakalipas para lang may maibahagi ngayon. Itong Nostalgiang ginamit niya ay may hangaring magbigay ang alternative at maghain ng bago. Sabay na Inaalala at Kinakalimutan ni David ang henyo ng kanta ng Eraserheads sa librong ito. Hindi na lamang ito pag-uulit ng sinabi ng Eraserheads na “Kamukha mo si Paraluman noong tayo ay bata pa.” Kay David, marami pang ibang posibilidad. Hindi ka nilulunod sa simpleng replika, kundi iba’t ibang bersiyon na kayang tumayong mag-isa.
Dumistansiya si David sa Nostalgiang ginamit niya, pinanatili niya itong malayo sa kasalukuyan, ginamit niya lang ito para ikumpara ang kalagayan ng Musika o Panitikan noon sa ngayon, at pagkatapos ay hinamon ang Nostalgiang ito at gumawa ng bago, dahil alam niyang ang pagno-nostalgiang walang distansiya ay nananatiling ignoranteng pagtanaw lamang sa nakaraan.
Ngunit, sa isang banda, na mas malungkot kaysa sa nauna kong palagay, maaaring ang Nostalgiang ito ni David ay pangungulila sa isang estado na hindi pa nakakamtam ng Panitikan ng Pilipinas. Isang paghahanap sa panahon na wala sa nakaraan at lalong wala sa kasalukuyan. Isang pangungulila sa isang panahong wala pa, hindi pa nangyayari. Sa panahong wala nang distinksiyon ang nakaraan at kasalukuyan, lahat ng wala sa kasalukuyan ay naipo-project sa nakaraan kahit iyon man ay hindi pa nagaganap at nabubuo bilang Nostalgia.
Hindi niya mahanap ang pagiging agresibo ng mga manunulat ng kaniyang henerasyon na nananatili sa pampang ng pagiging safe at kampante at kontento sa kasalukuyang kalagayan. Ngunit si David ay manunulat na hindi nagmamaliw ang uhaw para sa paghahamon ng pagsusulat.
Ang The El Bimbo Variations ay Nostalgia para sa isang Panahon o Kalagayan o Glorya ng Pagsusulat sa Pilipinas na hindi pa dumarating. Ang Nostalgia ay hindi na lamang para sa nakalipas na panahon, kundi sa isang Ideyal na hindi pa nakakamtan. At iyon ang sinusubok ni David na puntahan.
[1] Bagama’t alam kong gumagawa rin ng remakes ng mga pelikula’t komiks ang ABS-CBN at iba pang istasyon ng TV sa Pilipinas, mas minarapat kong banggitin bilang halimbawa sa papel na ito ang mga soap opera, palabas, at artista sa GMA-7. Mas kabisado at nasusubaybayan ko ang GMA-7 dahil ito lang ang tanging istasyon na nakukuha nang malinaw ng second-hand namin TV na binili sa RAON.
[2] Fulford, Robert. A Culture Drowning in Nostalgia. The National Post, December 24, 2001.
[3] Binansagang Greta Garbo ng Pilipinas, si Paraluman (o Sigrid Sophia Agatha von Giese) – ipinanganak nong 1921 – ang kauna-unahang artista sa Pilipinas na gumamit ng screen name na walang apelyido. Siya rin ang kauna-unahang artistang gumawa ng international films. Gypsy Baldovino. Blast from the Past. Manila Bulletin, October 1, 2006.
[4]Sinulat ni Ely Buendia. Nasa album na Cutterpillow na inilabas noong 1995 ng BMG Records Pilipinas. Ang kantang ito ay nanalo ng MTV Asian Viewers’ Choice Award noong 1997. Ang Eraserheads ang tanging bandang Filipinong nagkamit ng nasabing award.
[5]“Oulipo stands for Ouvroir de Litterature Potentielle, or Workshop for Potential Literature. It was founded by Raymond Queneau and Francois de Lionnais in France in 1960, hoping to address the [apparent] potential of using ordered logical systems (i.e., mathematics) to produce literature.” Sinabi ni Adam David sa huling bahagi ng libro. Adam David. The El Bimbo Variations. The Youth & Beauty Brigade: Cubao, Quezon City, 2008.